Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang pa rin siya sa analog generation.
Sa kanyang pagdalo sa inilunsad na Digital Innovation and Modernization ng Philippine Postal Corporation sa Manila Central Post Office kahapon, ibinahagi ng punong ehekutibo na hindi niya pa rin gamay ang smartphone kahit tinuruan na siya ng kanyang anak.
Gayunman, nagpapasalamat pa rin ang pangulo na inabot niya ang panahon ng modernong teknolohiya.
Gayong halos anim na linggo na lamang ang natitira sa kanyang administrasyon, nagbiro rin si Pangulong Duterte na ang trabaho na lamang niya ay tumingin sa magagandang babae.