Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niya ng karagdagang panahon upang pag-aralan ang mga kaso ng mahigit animnapung (60) pulis kabilang ang tatlong heneral na inirekomendang sibakin sa serbisyo dahil sa katiwalian.
Ayon kay Pangulong Duterte, tapos na ang imbestigasyon laban sa mga nabanggit na police officer pero kailangan pang pag-aralan ang mga kaso.
Dapat anyang maging maingat sa pagsibak sa police official lalo ang mga may mataas na ranggo tulad ng chief superintendent o katumbas ng heneral.
Ipinaliwanag din ng pangulo na kung talagang kailangang sibakin o hindi ang mga sangkot na pulis, gagawin niya ito sa isang patas na paraan at bilang isang abogado.
“I’m in the state of firing people and tend to fire another maybe 70 or 49 policemen and 3 generals for corruption.”- Pahayag ni Pangulong Duterte.