Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na noon pa nangyayari ang extra judicial killing (EJK) sa Davao City.
Sa kanyang talumpati sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago – Hugpong sa Tawong Lungsod sa Davao kagabi, binigyang diin ni Pangulong Duterte na maituturing na pangunahing dahilan ng malakas na ekonomiya ng lungsod ang pagkakaroon nito ng mababang crime rate.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala nang problema sa droga at kriminalidad ang Davao City dahil namatay na aniya ang mga kriminal at masasamang loob.
Dagdag pa ng pangulo, nauunawan ng mga pari sa Davao ang kanyang polisiya laban sa kriminalidad at iligal na droga.
Aniya, tanging ang matataas na religious leaders sa Manila lamang ang hindi nakakaintindi at tutol sa kanyang polisiya.