Nananatiling problema ng bansa ang iligal na droga at korapsyon.
Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga repormang ipinatupad ng gobyerno.
Sa kanyang ika-anim at huling State Of the Nation Address kahapon, isa anya sa pinaka-masakit na katotohanan ay mahirap nang alisin ang korapsyon maliban na lamang kung gagawa ng radikal na paraan.
But corruption is endemic in government, you cannot stop corruption nobody can stop corrupt unless you can overturn the government completely. If I will be your next President, if you think there is really need to change everybody in the system then declare martial law, and fire everybody and allow the new generation to come in to the government ″ pahayag ni Pangulong Duterte.
Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo ang hindi matapos-tapos na korapsyon sa Bureau Of Customs kung saan ilang pulis ang nasangkot sa pagpupuslit ng bultu-bultong iligal na droga.
and because there are policemen charges…because the prosecution, the investigation which the part of the vital document in the court…Ganyan kahirap ang mga ito, kung gusto mo itong mga ito, talagang the only way to do it for them to say is look for another job,″ wika ni Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino