Depende sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones kung saan kaniya lamang aniyang ipi-prisinta sa pangulo ang apat na kondisyon para sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay Briones ang mga kondisyon o polisiya na ito ay siyang magiging batayan ni pangulong Duterte sa pagdedesisyon kung ibabalik ba ang face-to-face classes o hindi.
Kabilang sa mga magiging batayan aniya ay ang approval mula sa mga lokal na pamahalaan consent ng mga magulang, availability ng tama at sapat na pasilidad para maiwasan ang COVID-19 transmission sa mga paaralan at kaligtasan sa transportasyon.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Briones na 50% ng mga estudyante ang nagpapahayag na ng suporta para ibalik ang face to face classes dahil sa nakikitang epekto ng matagal na pananatili ng mga bata sa bahay.