Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang exexutive order na nagtatatag sa National Amnesty Commission.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan para makamit ang kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga rebeldeng grupo na magbalik sa normal at payapang buhay.
Ani Roque, pangunahing tungkulin ng national amnesty commission ang magproses sa aplikasyon para sa amnestry ng mga dating rebelde.
Gayundin ang pagtukoy kung karapatdapat ang aplikante mabigyan ng amnesty alinsunod sa kasalukuyang amnesty proclamations habang wala pang napagkakasunduang batas ang Kongreso.
Sinabi ni Roque, bubuuin ang komisyon ng pitong miyembro kabilang ang chairperson at dalawang regular members na itatalaga ng pangulo.
Kasama naman sa ex-office members ng komisyon ang mga kalihim ng Departments of Justice, National Defense, Interior and Local Government at Office of the Presidential Peace Adviser on Peace Reconciliation and Unity.