Pormal nang ipinagharap ng reklamo sa International Criminal Court si Pangulong Rodrigo Duterte at 11 pang opisyal ng pamahalaan.
Kasong crimes against humanities ang isinampang kaso ng abogado ni self confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio.
Binigyang diin ni Sabio sa kaniyang 77 pahinang reklamo ang 9000 kaso ng extra-judicial killings sa ilalim ng kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyon.
Bagama’t tinanggap ng ICC ang nasabing kaso, tumanggi nang magbigay ng komento ang tagapagsalita nitong si Fadi El Aabdallah hinggil sa nasabing reklamo.
Maliban sa Pangulo, kasama rin sa nasabing kaso sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa, House Speaker Pantaleon Alvarez, dating DILG Secretary Mike Sueno, NBI Director Dante Geran, Solicitor General Jose Calida, Senador Richard Gordon at Senador Alan Peter Cayetano.
Gayundin sina Supt. Edilberto Leonardo na dating nagsilbi sa Davao Regional Police Office nuong alkalde pa si Pangulong Duterte at si SPO4 Sonny Buenaventura na siyang nagbibigay pabuya umano sa DDS na nakapapatay sa mga drug suspek.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
Pangulong Duterte at 11 iba pa kinasuhan sa International Criminal Court was last modified: April 25th, 2017 by DWIZ 882