Nananatiling maayos at walang lamat ang samahan sa pagitan nila Pangulong Rodrigo Duterte at dating Pangulong Fidel Ramos.
Ito ang inihayag mismo ni Pangulong Duterte matapos ang naging pagpupulong nila ni FVR na tinawag pa niyang “amo” sa Malacañang kahapon.
Sumentro aniya sa climate change at peace process ang naging pulong ng dalawang lider at hindi tinalakay doon ang usaping pampulitika.
Maayos naman ang naging pulong nila Pangulong Duterte at FVR sa kabila ng mga naging batikos sa kanya nito sa kanyang column sa pahayagan.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)