Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo bilang susunod na Presidente ng Pilipinas ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng skyway stage 3 project, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang pinayuhan ang anak na huwag magpadala sa mga nag-uudyok dito na tumakbo sa pagka-Presidente.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi pambabae ang trabaho ng isang presidente lalu na’t sobrang magkaiba aniya ang emotional setup sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan.
Batay sa pinakahuling survey ng pulse asia mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2 ng nakaraang taon, nanguna ang pangalan ni sara sa mga napipisil ng mga Pilipino na maging susunod na pangulo ng bansa sakaling tumakbo ito sa 2022.
My daughter inuudyok man nila sabi ko my daughter is not running. I have told inday not to run! kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko.Hindi ito pambabae, alam mo the emotional set -up of woman and a man is totally different. Maging g*g* ka rito,″pahayag ng Pangulong Duterte.