Suportado ni Sen. Bong Go ang panukalang muling isailalim sa martial law ang lalawigan ng Sulu.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Sen. Go upang matiyak na mananatili ang kapayapaan at kaayusan matapos ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo nuong isang linggo.
Pero ayon kay Go, mas naniniwala siyang magiging mainam kung maipatutupad na ang kasasabatas pa lang na Anti-Terrorism Law na siyang sagot upang matapos na ang lumalaganap na terrorismo sa buong bansa.
Opo kung kailangan suportado ko po ito, kung dadaan po samin sa Senado I will support kung kakailanganin pero kung kaya ng ating batas na Anti-Terrorism Law na sugpoin at makatulong ma-sugpo ng terrorism sa Mindanao. Last option na po ang martial law sa akin dahil itong terrorism po dito sa amin Mindanao, it’s a continuing problem. ani Go
Kasunod nito, kinumpirma rin ng senador na balak nilang tumulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Jolo bago ito magbalik sa Maynila ngayong linggong ito.
So we leave to a good judgement of the president. Kung anong dapat gawin sa Jolo, Sulu at plano po naming na bumisita sa Jolo to boost the morale of our troops there. Na talagang napapakamatay at nakikipag-laban po sa ating bayan. ani Go sa panayam ng DWIZ