Balik-bansa na ang Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang matagumpay nitong biyahe sa Laos at Indonesia para sa ASEAN sa Vientiane at working visit sa Jakarta.
Sa kanyang arrival speech, ibinida ng Pangulo ang mga mahahalagang isyung kanyang naiparating sa mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN na may kinalaman sa kapayapaan, seguridad at katatagan ng rehiyon.
Ayon sa Pangulo, kanyang nabanggit ang ukol sa concern ng pilipinas sa maritime dispute sa West Philippine Sea kasabay ng pagbibigay ng commitment pamahalaan ng Pilipinas na resolbahin ang sigalot na ito sa mapayapang paraan.
Napag-usapan din aniya sa mga naging pagpupulong ang ukol sa mga nangyayaring karahasan at ang problema sa ng rehiyon sa iligal na droga.
Ayon pa sa Pangulo, naging malinaw din ang mensahe ng Pilipinas na bukas ito para sa mga dayuhang nais mamuhunan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasabay nito, malugod ding tinanggap ng Pangulong Dutertae ang chairmanship ng ASEAN kung saan idaraos sa Pilipinas ang susunod na Summit.
Hindi naman malinaw pa sa ngayon kung kabilang ang Davao sa mga gagawing venue sa naturang ASEAN Summit dahil sa nangyaring pambobomba doon noong nakaraang linggo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, ipinagmalaki ng Pangulo na hindi niya naipahiya ang bansa sa unang foreign trip niya bilang Pangulo ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina