Nakabalik na ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang matagumpay nitong tatlong araw na pagbisita sa bansang Japan.
Ala-1:20 kaninang madaling araw nang lumapag ang isang commercial flight sakay ang pangulo kasama ang delegasyon nito sa Villamor Airbase.
Kasama rin ng pangulo sa eroplano ang kaniyang common law partner na si Honeylet Avanceña, anak nilang si Kitty at ang mga miyembro ng gabinete.
Hindi na nagbigay ng kaniyang arrival speech ang pangulo sa halip ay agad nitong pinuntahan ang labi ng napatay na kidnap victim na si Elwod Horn, isang Dutch national na binihag ng Abu Sayyaf noong 2012.
Una rito, dumating din sa Villamor ang labi ni Horn dakong alas-12:55 mula sa Patikul, Sulu at natapat ito sa pagdating ng pangulo.
Agad namang inihatid ang pangulo kasama ang pamilya nito sa Bahay ng Pagbabago sa Malacañang Complex sa Maynila, sakay ng isang helicopter.