Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang 4-day visit sa Hong Kong At Hainan, China.
Pasado ala-1:00 kaninang madaling araw nang dumating sa Davao International Airport si Pangulong Duterte.
Isa-isang ipinagmalaki ng Pangulo ang mga bitbit niyang pasalubong mula China partikular ang nilagdaang investment deal na nagkakahalaga ng mahigit siyam na bilyong dolyar.
“We have secured so many billions..and that 500 million renminbi, gratis yan, there’s no contract. It’s P4 billion straight.”
Ayon sa Punong Ehekutibo, libu-libong Filipino ang mabibigyan ng trabaho kabilang ang mga Filipino English subject teacher dahil sa mga nilagdaang kasunduan.
Dahil dito, asahan na rin anyiang mas magiging malalim ang ugnayan ng China sa iba’t ibang aspeto gaya sa trade at defense.
“All that China needs actually is the cooperation, ‘yun lang. Open your doors if you want something done in your country. You’re inviting us to invest, we will invest and if you don’t have the resources, we will do it for you. And you say, if you have the money to pay, pay us in a short term if you don’t have the money, pay us on a long term.” Pahayg ng Pangulong Duterte
—-