Mas dumami pa ang mga Pilipinong nagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong huling quarter ng 2017.
Ito ay matapos na makabawi ng positive 15 points ang Pangulo sa kanyang net trust rating mula sa positive 60 points noong ikatlong quarter ng 2017.
Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS nitong nakaraang Disyembre, nakakuha si Pangulong Duterte ng positive 75 percent o katumbas ng excellent sa kanyang net trust rating.
Ayon sa SWS survey nang huling quarter ng 2017, lumalabas na 83 prosyento ng mga respondents ang may mataas na tiwala kay Pangulong Duterte habang 7 porsyento lamang ang may mababang tiwala sa Punong Ehekutibo.
Dagdag ng SWS, nananatili sa excellent ang trust rating ng Pangulo magmula nang maupo ito sa tungkulin, maliban na lamang noong Setyembre nang nakalipas na taon kung saan bahagya itong bumaba sa ‘very good’.
—-