Personal na bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Albay pagkagaling nito sa India kung saan dumadalo ito ngayon sa ASEAN – India Special Commemorative Summit.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magtutungo ang Pangulo sa lalawigan para kamustahin ang kalagayan ng mga inilikas dahil sa patuloy na pag – aalburuto ng Bulkang Mayon.
Gayunman, hindi pa matukoy ni Roque kung kailan eksakto ang gagawing pagbisita ng Pangulo sa Albay.
Sinabi pa ng Pangulo na bago siya tumulak patungong india ay inalam niya muna ang kalagayan ng mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.