Nakatakdang bumisita ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng nasawing Pinay Overseas Filipino Worker na si Joanna Demafelis.
Ang labi ni Demafelis ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang tahanan sa Sara, Iloilo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, posibleng magbigay pa si Pangulong Duterte ng karagdagang tulong sa pamilya Demafelis.
Matapos ang gagawing pakikiramay, inaasahan namang magtutungo ang Pangulo sa “Tienda para sa mga Bayani” sa Camp Hernandez sa Dingle, Iloilo.
—-