Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa Setyembre.
Nauna nang itinakda ang pagbisita dito ng Pangulo noong Mayo ng nakaraang taon subalit hindi natuloy dahil sa nangyaring krisis sa Marawi City.
Ayon sa Palasyo, magkakaroon ng opisyal ng anunsyo sa magiging pinal na petsa ng pagbisita ng Pangulo sa Israel.
Ngunit bago pa ang anunsyo, iniulat na sa Times of Israel na bibisita ang Pangulo sa Setyembre 3 kung saan lalagdaan ang mga kasunduan para sa long-term care ng mga Filipino sa Israel gayundin ang pagtutulungan ng dalawang bansa laban sa drug trafficking.
—-