Bibisitahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito ang mga biktima ng Bagyong Auring sa Surigao Del Sur.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kasama siya ng pangulo na mag-iikot sa mga apektadong lugar sa nasabing lalawigan.
Personal aniyang magbibigay ng ayuda ang Pangulong Duterte sa mga biktima ng Bagyong Auring na pagbaha sa Surigao Del Sur matapos umapaw ang Bonifacio River at Tandag River.