Idudulog ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Chinese Government ang problema ng Pilipinas sa iligal na droga sa kaniyang pagbisita sa China sa Martes.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t tiyak na mababanggit ito ng Pangulo kay Chinese President Xi Jinping, hindi pa malinaw kung paano ito bubuksan ng punong ehekutibo.
Posible rin aniyang hilingin ng Pangulo ang tulong ng China upang pigilan ang paglaganap ng iligal na droga dahil dito nagmumula ang karamihan sa mga drug lord gayundin ang suplay nito.
Magiging bahagi rin ng aktibidad ng Pangulo ani Abella ang pagbisita sa iba’t ibang drug Rehabilitation Centers na itinayo sa nasabing bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping