Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sinalanta ng bagyong Nina.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. General Restituto Padilla, kasamang dadalaw ng Pangulo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Eduardo Año.
Gayunman, sinabi ni Padilla na hindi pa matiyak ang petsa ng pag-iikot ng Pangulo sa mga naapektuhan ng bagyo ngunit ang sigurado aniya ay mangyayari ito sa loob ng linggong ito.
Una rito, isang C-130 plane ang ipinadala ng pamahalaan lulan ang mga relief goods sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Nina.
By Ralph Obina