Nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang lugar na nasalanta ng bagyong Ompong sa Cordillera Administrative Region o CAR.
Sa press briefing sa Tuguegarao City, Cagayan, tinukoy ni Pangulong Duterte ang isang gumuhong simbahan sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet na kabilang sa kanyang pupuntahan.
Apatnapu’t tatlo (43) katao aniya ang sinasabing na-trap sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyo noong Biyernes hanggang Sabado.
Bibisita rin ang Pangulo sa Baguio City at iba pang bahagi ng Cordillera na labis na napinsala ng kalamidad.
Kasama ng Punong Ehekutibo sa kanyang pagbisita si Presidential Political Affairs Adviser at DWIZ host Francis Tolentino na itinalagang point person kaugnay sa epekto ng bagyo.
—-