Bibisitahin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang South Korea sa unang linggo ng Hunyo.
Ipinabatid ito ng South Korean Presidential Office kung saan makakapulong ng Pangulo si President Moon Jae-In sa June 4.
Inaasahang tututukan ng dalawang lider ang pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at South Korea.
Ang anunsyo ng SoKor sa pagbisita ng pangulo sa nasabing bansa ay kasunod nang nabuhay umanong tensyon matapos kanselahin ni US President Donald Trump ang summit meeting kay North Korean Leader Kim Jong Un sa Singapore sa June 12.
—-