Nakatakdang mag-biyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Myanmar at Thailand ngayong Marso.
Ayon sa Pangulo, kakausapin ng niya ang kanyang mga counterpart sa nasabing mga bansa upang tanungin sa mga usapin na nais na pag-usapan ng mga ito sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit na gaganapin ngayong taon dito sa bansa.
Tutulak ang Pangulo sa Myanmar sa Marso 19 hanggang 20 at tutuloy naman ito sa Thailand sa Marso 21 hanggang 22.
By Rianne Briones