Bibisitahin ngayong umaga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao City upang alamin ang sitwasyon ng mga naapektuhan ng magnitude 6.7 na lindol.
Nais din ng Pangulong makita ang mga nagawa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.
Kabilang sa matinding napinsala ang Surigao Airport na isang buwang sarado dahil nagkabitak-bitak ang runway.
By: Drew Nacino