Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga labi ng mga nasawi sa naging pag – atake sa Resorts World Manila.
Alas – 8:00 ng gabi ngayong Sabado inaasahang magtutungo ang Pangulo sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City upang personal na magpa – abot ng pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi.
Una nang nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga biktima ng naganap na pag – atake.
Sa huling bilang aabot na sa tatlumpu’t walo (38) katao ang nasawi kasama na ang salarin na nagsunog sa loob ng loob ng naturang casino hotel.
By Rianne Briones