Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang Benham Rise o Philippine Rise sa susunod na linggo.
Ayon sa Pangulo, ito ay para maiparating sa buong mundo ang mensaheng pagmamay-ari lamang ng Pilipinas ang naturang lugar.
Nanindigan ang Punong Ehekutibo na tanging mga Pilipino lamang ang may karapatan na mag-explore sa lugar.
Ibinabala din ng Pangulo ang posibleng giyera oras na sakupin ng sinumang dayuhan ang Philippine Rise.