Bigo umano si Pangulong Rodrigo Duterte na matupad ang mga pangako nito sa taumbayan na pagresolba sa krimen, kurapsyon at illegal drug trade sa bansa.
Ito ang pananaw ni Dr. Edilberto De Jesus, Research Fellow ng Ateneo school of government.
Ani De Jesus, batay mismo sa assessment ng Pangulo, hindi nito nagawa ang mga ipinangako niyang ipa-prayoridad.
Giit pa ni De Jesus, hindi naman kasi kapani-paniwala na ang mga matatagal nang problema ng bansa ay kayang solusyunan lamang sa loob ng anim hanggang pitong buwan gaya ng sinabi nuon ng Pangulo.
Kaya dapat aniya ay pinapanagot ang mga pulitiko kapag hindi nila nagawa ang kanilang mga ipinapangako sa kanilang pangangampanya.