Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sa kaniyang ipapasara ang mga hotel sa paligid ng Manila Bay kapag hindi naglagat ang mga ito ng waste treatment facility.
Sa kaniyang talumpati sa Barangay Summit on Peace and Order sa Pasay City, inihayag ng pangulo na kaniyang iniutos ang rehabilitasyon ng Manila Bay kung saan ilang malalaking hotels at establisyemento ang direktang nagtatapon ng kanilang waste product sa dagat.
Iginiit ng pangulo na dumi ng mga turista ang basurang itinatapon sa Manila Bay kaya’t panahon na parang maging responsable ang mga hotel.
“Whether they like it or not, lahat itong, itong mga hotel, ‘yung palabas niyong mga tae ng mga turista… lagyan niyo ng water treatment kung hindi pasarahan ko iyan, huwag niyo akong hamunin. Kung wala tayong turista eh di wala, hindi naman tayo mamatay.” Pahayag ni Duterte.