Umalma si CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison sa naging hakbang ng Duterte administration na isama siya sa listahan ng mahigit 600 pangalan na pinadedeklarang terorista.
Buwelta ni Sison, si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang numero unong terorista sa Pilipinas dahil ginagamit nito ang kaniyang kampaniya laban sa terorismo para makapanirang puri at mabigyang katuwiran ang magaspang nitong ugali.
Ginagamit din umano ng Pangulo ang pederalismo upang mapalakas at mapalawig nito ang kaniyang kapangyarihan na lagpas na sa itinatadhana ng saligang batas dahil malayo ang planong Charter Change sa Pseudo-Federal Constitution.
Nagpapanggap din aniyang ignorante si Duterte at ang mga opisyal nito sa naipanalo niyang kaso na isinampa laban sa kaniya ng nuo’y administrasyong Arroyo at nai-alis na rin sa listahan ng European Union ang kaniyang pangalan bilang terorista.
PDuterte, maituturing na terorista ng mga drug lord, pusher, user – Sen. Sotto
Idinepensa ng mga Senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansag sa kaniyang terorista ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison
Ito’y makaraang pumalag si Sison sa hakbang ng administrasyon na ibilang siya sa listahan ng mga terorista sa bansa
Ayon kay Majority Leader Tito Sotto, tama si Sison kung ang pag-uusapan ay ang mga kriminal gayundin ang mga nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga
Para naman kay Senador JV Ejercito, malaki aniya ang naging epekto ng deklarasyong ito ng Pangulo dahil marami sa mga rebelde ang nagbalik loob na sa pamahalaan