Binigyan ng poor o pinakamababang marka ng state workers’ union na COURAGE o Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay COURAGE National President Ferdinand Gaite, nabigo si Pangulong Duterte na tuparin ang kanyang pangako sa mga empleyado ng gobyerno maging sa mga pribadong manggagawa.
Sinabi ni Gaite, kung ibabatay sa sistema ng pamahalaan sa pagsukat ng performance ng mga pampublikong empleyado, bumagsak ang pangulo lalo na’t hindi nito natupad ang pangakong wakasan ang kontraktuwalisasyon at napakatagal nang problema sa mababang sahod.
Iginiit ni Gaite, sa loob ng dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte, wala pa ring silang nakitang malinaw na political will nito para tugunan ang problema ng mga manggagawa.
Dagdag pa ni Gaite, dapat tanggalin ang pangulo sa pwesto sa katulad na paraan ng pagtanggal sa mga non performing government workers.