Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong para labanan ang human trafficking at mapangalagaan ang karapatan ng mga migrants at PWDs o Persons with Disabilities.
Sa kanyang intervention sa plenary session ng 34th ASEAN Summit, iginiit ni Pangulong Duterte na habang isinusulong nila ang pagpapalakas sa mga mamamayan ng ASEAN, mahalagang maprotektahan din ang karapatan ng mga ito lalo na ng mga mahihina.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na kinakailangan maipatupad ng ASEAN ang mas epektibong paraan para malabanan ang human trafficking sa rehiyon.
Aniya, para makamit ang pangarap ng isang well-integrated ASEAN, mahalagang maisulong din ang mas malakas na ugnayan ng bawat tao sa rehiyon maliban pa sa pagtataguyod ng mga imprastraktura, sustainable cities at mga makabagong sistema.