Hindi sa Islam kundi sa Alien Ideology nakikipaglaban ang Pilipinas.
Binigyang diin ito ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos linawing hindi sa Islam nakikipag giyera ang Pilipinas.
Sa gitna na rin ito nang patuloy na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.
Ayon sa Pangulo bilang may dugong Maranao siya ang pinakahuling taong kukundena sa mga Moro na aniya’y hindi naman kalaban ng mga Pilipino.
SMW: RPE