Binilinan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Philippine National Police na huwag magpasindak kay Senador Antonio Trillanes.
Sa kanyang talumpati sa 17th Founding Anniversary ng Digos City, Davao del Sur, inihayag ng Pangulo na pinaninindigan niya ang kampanya kontra iligal na droga at kung may kukuwestiyon ay sabihing utos niya ito.
Partikular na inatasan ni Pangulong Duterte si PNP Chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na nagsabing huwag hayaang bastusin siya ni Trillanes at matulad sa sinapit ni dating AFP Chief at Energy Secretary Angelo Reyes.
Matatandaang ipinahiya at binastos ni Trillanes ang dating AFP Chief sa isang Senate Investigation na naging dahilan para magpakamatay.
Sinabi ng Pangulo na kapag nam-bully ang Senador, himukin itong lumabas ng Senado at hamunin ng “draw” o barilan kaysa alisan sila ng dignidad sa harap ng publiko.
Ulat ni Aileen Taliping
SMW: RPE