Binisita ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Camp Reodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo kahapon.
Kasama ng pangulo si Defense Secretary Delfin Lorenzana kung saan 15 sugatang sundalo ang binisita nila.
Pinangunahan din ng pangulo ang paggagawad ng medalya at donning of marks kina Brigadier General Divino Rey Pabayo ng Joint Task Force Sulu at Brigadier General Andres Centino ng AFP Operations Center.
Ginawaran naman ng pangulo ng ‘Order of Lapu Lapu Rank of Kampilan ang 11 sundalong sugatan noong May 31 sa engkuwentro sa Patikul, Sulu.
Kabilang sa mga tumanggap ng ‘Order of Lapu Lapu’ sina Corporals Arsenio Opaco Jr. Sonny Jumoc, Edwin Yurong, Edeson Alom, Abduhasad Baladji, Joevertt Ramirez, Dominic Osorio, Jeric Peniaredondo, Raymund Balambao, Ramil Diaz Jr at Albert Daligdig.
7 sundalo naman ang ginawaran ng gold cross medal habang limang enlisted personnel ang tumanggap ng food packs mula sa Pangulong Duterte.