Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng dalawang pilotong namatay sa nangyaring plane crash sa Calamba City, Laguna.
Nagtungo ang pangulo sa Villamor Airbase Mortuary sa Pasay City para magbigay ng huling respeto kay Captain Jesus Hernandez na siyang pilot in command sa naturang medical aircraft.
Dumalaw din ang pangulo sa burol ni First Officer Lino Cruz III ang co – pilot ni Hernandez sa Loyola Memorial Park sa Paranaque City.
Matatandaang siyam na tao ang nasawi sa pagbagsak ng naturang eroplano kabilang ang dayuhang pasyenteng lulan nito mula sa Dipolog City.