Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng mga biktima ng pag-atake sa Resorts World Manila, sa Pasay City.
Dakong alas onse kagabi nang dumating si Pangulong Duterte sa Veronica Memorial Chapel kung saan naka-burol ang siyam na biktima.
Kabilang sa binista ng pangulo ang mga Taiwanese victim na sina Hing Tung Tsung, Lai Wei-Chung, Lai Yu-Chieh at Pilipino na si Carmelita de la Cruz.
Ayon kay Catalino Cuy, officer-in-charge ng Department of the Interior and Local Government, personal na nag-alok ng tulong si Pangulong Duterte sa mga kaanak ng biktima.
Plano ng pamilya ng mga Taiwanese na i-cremate ang kanilang mga mahal sa buhay at i-uwi sa kanilang bansa, bukas.
Binista rin ng punong ehekutibo ang labi ni Eleuterio Reyes, asawa ng dating aktres na si Azenith Briones sa Rizal Funeral Homes.
Matapos nito ay nagtungo si Duterte sa Heritage Park, Taguig upang bisitahin naman ang labi ni Elizabeth Panlilio Gonzales, asawa ni Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
By Drew Nacino
Pangulong Duterte binisita ang burol ng mga biktima ng Resorts World attack was last modified: June 4th, 2017 by DWIZ 882