Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sulu ang walong (8) sundalong nasugatan sa bakbakan na kasalukuyang ginagamot sa ospital sa Camp Teodulfo Bautista.
Ang naturang mga sundalo ay nasugatan makaraang maka-engkwentro ang Abu Sayyaf Group.
Binigyan ng Pangulo ng tig-isandaang libong piso at glock pistol ang mga sugatang sundalo.
Maliban dito ay ginawaran din ang mga magigiting na sundalo ng wounded personnel medal.
By Ralph Obina