Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng yumao niyang mga magulang sa Davao City bago bumyahe pabalik ng Maynila.
Sa mga larawang inilabas ng Palasyo, makikitang nag-alay ng panalangin si Pangulong Duterte sa pagbisita sa mga yumaong magulang at humalik pa ito sa kanilang mga puntod.
Mababatid na ang yumaong ama ni Pangulong Duterte ay nagsilbi noon bilang governor ng lungsod, habang naging isang guro at aktibista naman ang ina nito laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos.