Tuluyan nang isinara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at ng komunistang grupo.
Sa isinagawang change of command ng Philippine Army kahapon, sinabi ng Pangulo na bahala na ang susunod na Pangulo kung itututloy pa ang peace negotiations.
Giit ng Pangulo, hindi niya nakitaan ng sinseridad ang mga rebelde lalo na’t patuloy ang kanilang mga iligal na gawain at pag-atake sa mga sundalo.
Bagama’t inihayag na ito ng Pangulo, wala pa namang opisyal na pahayag ang pamahalaan tulad ng GPP o Government Peace Panel hinggil dito.