Nakatakdang tumulak ngayong araw na ito si Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei.
Ito ay para dumalo sa engrandeng selebrasyon ng ika-limampung anibersaryo ng pagkakatalaga kay Sultan Hassanal Bolkiah sa trono.
Ayon sa Pangulo, tinanggap niya ang imbitasyon ni Bolkiah dahil ito ay kaibigan ng Pilipinas at personal rin niyang kaibigan.
Aniya, tiwala na siyang umalis ngayon lalo’t papatapos na rin ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Maute Group sa Marawi City.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalabas ng bansa ang Pangulo simula nang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Kasama ng Pangulo sa kanyang biyahe ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña ngunit hindi na pinangalananan ang iba pang kasama sa kanyang official entourage.
—-