Bibiyahe patungo sa Cambodia at Singapore ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre 13 hanggang 16.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose na ang biyahe ay bahagi ng introductory visit sa mga ASEAN country bilang bagong pangulo ng bansa at ang pagiging chairman ng ASEAN sa susunod na taon.
Ayon kay Jose, inaasahan din na mapag–uusapan sa bilateral meeting kina Cambodian prime minister Hun Sen at Singaporean prime minister Lee Hsien Loong ang iba’t ibang isyu sa rehiyon.
By Katrina Valle