Ipeprisinta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa WEF o World Economic Forum on ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ang kanyang economic agenda na tinaguriang Dutertenomics.
Alas-3:00 ngayong hapon tutulak patungo ng Cambodia ang Pangulo kung saan gaganapin ang WEF.
Nakapaloob sa Dutertenomics ang malakihang paggastos ng pamahalaan sa pagpapatayo ng mga inprastraktura.
Matapos ang WEF ay bibisitahin naman ng Pangulo ang mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Hong Kong mula May 11 hanggang 13 at magbabalik sa China para sa Belt and Road Forum for International Cooperation.
By Len Aguirre
Pangulong Duterte biyaheng Cambodia-Hong Kong-China was last modified: May 10th, 2017 by DWIZ 882