Biyaheng Tokyo ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tatlong araw na state visit na bahagi ng pagpapatatag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.
Alas-12:00 ng tanghali ang alis ng Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at inaasahang darating ng Japan ala-5:30 ng hapon sakay ng chartered flight.
Pagdating ng Japan ay makikipagkita si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Palace Hotel Tokyo habang bukas ay makakaharap ang mga officer ng Philippine Economic Forum sa Prince Tower Tokyo.
Matapos nito ay magkakaroon ng closed-door meeting si Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Samantala, mag-ko-courtesy call si Japan International Cooperation Agency (JICA) President Shinichi Kitaoka kay Duterte na susundan ng mga business leaders ng Jetro, Marubeni at Sumitomo Mitsui Banking Corporations, makakaharap din ng Pangulo si Emperor Akihito sa Imperial Palace, sa Huwebes.
Kasama ni Duterte sa biyahe ang ilang mataas na opisyal ng gobyerno gaya nina House Speaker Pantaleon Alvarez; Executive Secretary Salvador Medialdea; Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay; Finance Secretary Carlos Dominguez at Agriculture Secretary Manny Piñol.
By Drew Nacino | Raoul Esperas (Patrol 45)