Bibiyahe na patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes para sa kanyang limang (5) araw na state visit sa naturang bansa.
Inaasahang makikipagpulong si Pangulong Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev.
Sinasabing lalagda ang Pangulo sa ilang bilateral agreement na sasaklaw sa defense and security, legal assistance, trade and investment at gayundin ang mapayapang paggamit ng nuclear energy.
Ayon kay Foreign Affairs Assistance Secretary Maria Cleofa Natividad, layon ng five-day visit ng Pangulo sa Russia na lalong patatagin ang ugnayan ng dalawang bansa.
Bukod sa mga kasunduang posibleng malagdaan sa pagpupulong, inaasahang makikipagkita rin ang Presidente sa limang libong (5,000) Pilipinong nagtatrabaho roon.
By Jelbert Perdez