Natakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa May 25.
Mismong ang Pangulo ang nag-anunsyo nito sa kanyang pagharap sa Cebu of Commerce and Industry Incorporated sa Lapu-Lapu City.
Dito ay muling ipinagmalaki ng Pangulo ang pangako ng Russia na handa nitong ibigay ang lahat ng kinakailangan ng Pilipinas basta bumisita lamang siya dito.
Sinabi rin ng Pangulo na nakatakda silang magkaharap doon ni Russian President Vladimir Putin.
Una nang ipinahayag ng Pangulong Duterte na excited syang makaharap si Putin na kanyang idolo.
By Rianne Briones
Photo Credit: Reuters