Nakatakdang dumalaw sa Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 22 hanggang 26.
Ayon kay Foreign Affairs Asec. Maria Cleofa Natividad, ito ay upang lalo pang mapaigting ang ugnayan ng dalawang bansa at magsilbing hudyat para sa bagong partnership sa pagitan ng mga non-traditional partners katulad ng Russia.
Maliban sa mga kasunduang inaasahang malalagdaan sa pagpupulong, inaasahang makikipag kita rin ang Pangulo sa limang libong (5,000) Pilipinong nagta – trabaho roon.
Una nang nagkita ang Pangulo at si Russian President Vladimir Putin sa Peru.
By Katrina Valle | With Report from Aileen Taliping