Tutulak na si Pangulong Rodrigo Duterte patungong South Korea, mamayang gabi.
Ayon kay Department of Foreign Affairs o DFA Undersecretary Ernesto Abella, pangunahing layon ng biyaheng ito ng Pangulo ay ang palakasin ang relasyon ng Pilipinas at SoKor na nasa pitumpung taon na sa susunod na taon.
Kabilang namn sa inaasahang tatalakayin sa mga pulong ng Pangulo sa South Korea ang mga usaping may kinalaman sa diplomatic relations, social, agriculture at environmental ccoperation.
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer in charge habang wala ang Punong Ehekutibo sa bansa.
—-