Magsisilbing Officer – in – Charge o OIC si Executive Secretary Salvador Medialdea habang wala sa bansa ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Pangulo ay bumiyahe na papuntang Vietnam para dumalo sa Asia – Pacific Economic Cooperation o APEC Meeting na gagawin mula Nobyembre 9 hanggang 11.
Inaasahang magkikita sina Duterte at US President Donald Trump sa welcome dinner para sa APEC leaders, bagamat hindi malinaw kung may bilateral meeting ang mga ito.
Bitbit ng Pangulo sa nasabing biyahe ang ilang miyembro ng gabinete na sina Presidential Communication Office Secretary Martin Andanar, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Presidential Spokesman Harry Roque.