Bubuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Abe Shinzo ang isyu agawan ng teritoryo sa South China Sea kapag nagkita sila sa 15th Nikkei Conference on the Future of Asia.
Ayon kay Foreign Affairs Asst. Secretary Meynardo Montealegre, nagkakaisa ang Pilipinas at Japan na kailangang mapatatag ang kapayapaan sa rehiyon ng Asya.
Dahil dito, hindi aniya maiiwasan na pag-usapan ng dalawang lider ang mga nangyayari sa South China Sea sa sidelines ng komperensya.