Bukas ang Pangulong Rodrigo Duterte sa hinihiling na pulong ng League of Municipalities at ULAP o Union of Local Authorities of the Philippines.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng pangamba ng local officials sa magkasunod na pagpatay sa alkalde ng Tanauan Batangas at General Tinio Nueva Ecija.
Gayunman, ayon kay Roque, mangyayari ang pulong kung kelan puwede ang schedule ng Pangulo.
Nauna na anyang nakipagpulong kina DILG Secretary Eduardo Año at PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga opisyal ng ULAP.
Sa pulong anya ibinuhos ng local officials ang kanilang pangamba at pagkaalarma sa magkasunod na pagpatay kina Mayors Antonio Halili at Ferdinand Bote.
Kinuwestyon rin anya ng local officials ang sistema kung paano bineberipika ang isang impormasyon bago ilagay sa narco-list ang isang opisyal.
—-